Sabay sa paglikha ng mga Anghel, Si Allah (Subhanawataallah) ay naglikha ng mga Jinn. Sila ang mga bagay na hindi nakikita (Ghaib) at sila ay hindi hayag o nasasalat ang kanilang katawang anyo. Ito lamang ang tanging katangian kawangis nila sa mga Anghel. Ang Jinn at Ang Anghel ay may malaking pagkakaiba at kahit sa bagay at anyo ng kanilang pagkakalikha. At si Allah (Subhanawataallah) ay unang lumikha na galing sa apoy at ang huli ay galling sa liwanag.
Ang mga Anghel ay Sundalo ni Allah (Subhanawataallah), na nilikha para purihin siya at taga pagsunod sa Kanyang pinaguutos sa Kalawakan. Sila ay dalisay at lubos na mabababait. At sa mga Jinn, sila ay mga iniluklok niya sa mga bagay na inatasan kanilang pamahalaan. Ang iba sakanila ay mistulang mabait at ang iba namay may maruming budhi.
Ito ay inihayag sa banal na Qur’an na ang mga kuponan pangkat ng mga jinn ay nakinig sa banal na Qur’an. Ang mga ibang talata ay inihayag doon sakanila: At sa lipon namin ay mayroong matutuwid,at sa lipon naming ay (mayroong mga iba) na hindi gayon, at kami ay mayroong magkahiwalay na mga paraan (iba’t iba sa opinion, paniniwala at gawa ng pananampalataya). At sa lipon naming ay may mga muslim (na nagsusuko ng kanilang kalooban kay Allah matapos na makapakinig sa Qur’an), at sa lipon naming ay may Al-Qasitun (mga dimakatarungan, na lumilihis sa katotohanan at nag-aasal ng pagiging pinunong malupit). At sinuman ang magsuko ng kanyang kalooban kay Allah (alalong baga,ang yumakap sa Islam),sila yaong nakahanap ng Tuwid an Landas. (Qur’an 72: 11, 14).
Alam natin ang Jinn sumuway sautos ni sa Allah (Subhanawataallah) ay siya ay nag tanong: Inyo bangang tatangkilin siya (Iblis) at ang kanyang mga supling bilang tagapagtanggol at tagapagtangkilik kaysa sa Akin? (Qur’an 18: 50)
Ang isa sa mga bantog sa kasamaan sa grupo ng mga Jinn ay si Iblis (Satanas) na siyang nakatayo sakabay ng mga Anghel ng sila ay pag-utusang magpatirapa kay Adam (pbuh). At ng si Iblis (Satanas) ay tumanggi magpatirapa, siya ay nagging simbolo ng kasamaan sa buong kalawakan.
Si Allah (Subhanawataallah) ay ipinahayag: At (gunitain) nang Aming wikain sa mga anghel; “Magpatirapa kayo kay Adan” Kaya’t sila ay nagpatirapa maliban kay Iblis (Satanas). Siya ay isa sa mga Jinn, siya ay sumuway sa Paguutos ng Kanyang Panginoon.(Qur’an 18: 50)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento