Ang mga Propeta ni Allah (Subhanawataallah) ay mga mesaherong ipinagpala para sa sanlibutan.
Ang buod ng kanilang pagkatao at ang kanilang kadalisayan. Si (Allah) ay nagpahayag: “Si Allah (Subhanawataallah) ay nagpadalang tagapagbabala sa mga communidad, haggang sa pinakahuling propeta , Muhammad ( pbuh ), na ipinadala upang ang sanlibutan ay iligtas sa pamamagitan kanya awa. (Qur’an 21: 107).
Talagang , Kung hindi sa pamamgitan ni Propeta Muhammad ( pbuh ) , Lahat tayo ay hindi malalaman
Ang tutuong tunay na kwento ng mga Propeta sa bawat kanilang kapanahunan. Dahilan na ang mga kwento ng mga bawat Propeta ay baguhin at baluktutin bago paman dumating ang misyon ng pinakahuling Propeta nasi Muhammad (phuh). Ang naging resulta ng bawat salin ng istorya ng mga Propeta ay walang pakundangan kalapastanganan sa digdinidad at pagkatao ng mga Propeta. Ang halimbawa nito, ang pagbago ng mga Hudyo ( Jews ) sa tunay na bersiyon na nagsasalaysay sa istorya ng mga Propeta; ang Propetang uminom ng Alak at gumawa ng pangangalunya sa kanyang sariling anak; Ang Propetang isinugo ang kanyang punong kawal sa digmaan para lamang makuha nito ang asawa; Ang Propetang sumasamba sa mga rebulto pagkatapos mapangasawa niya ang magandang batang babae na palasamba sa rebulto, sila ay nag pabulaan na ang Propetang ito ay sumasamba sa mga rebulto upang makuha ang loob ng magandang babae liban Kay Allah ( Subhanawataallah ). Ang lahat ng ito ay laging ninyong binabasa (bibliya) hindi lingid sa kalaman na itoy mali, lituhin at dalhin ka sa maling akala na ang iyong mentalidad ay pabulaan ang lahat ng tungkol kay Allah ( Subhanawataallah ) at sa kanyang mga Propeta.
Kung pababayaan mong mamuhay sa librong (bibliya) na puno ng kabulaanan na ginawa ng mga Hudyo para sa mga Kristianismo makikita mo ang lantad na kaibahan (kalituhan) na ang unang reaksyon. Ang mga Kristiyano ay nag pupuri kay Propeta Jesus (pbuh) sa antas na karamihan ng ibang mga Sekta ay tinatawag siyang Anak ni Allah (Subhanawataallah). Subhanallah siya ang pinakamataas sa lahat!
Ang tutoong imahe ng mga Propeta ay nawala dahil sa kanilang kabulaanan o kaya ay sinamba ng labis.
Silang mga Propeta at Tagapagbalita ay maykani-kanilang lebel at antas. Sinabi ni Allah (Subhanawataallah): Silang mga Tagapagbalita (Sugo)! Ang ilan sa kanila ay Aming hinirang na maging higit sa iba (sa kapanagutan at tungkulin); sa ilan sa kanila, si Allah ay nakipag-usap; ang ilan ay Kanyang itinaas sa antas (ng karangalan).(Qur’an 2:253)
Bagkus sa bawat antas ng kadakilaan ng bawat Propeta sa mata ni Allah (Subhanawataallah) ang pinakamataas, Ang mga Muslim ay pinag-utusang igalang silang lahat na walang pagtatangi sa isat –isa.
Si Allah (Subhanawataallah) ay nag wika: Ang bawat isa ay nananampalataya kay Allah, Sa kanyang mga Anghel, Sa Kanyang mga Kasulatan, at sa Kanyang mga Tagapagbalita (Sugo). Sila ay nagsabi:
“kami ay hindi nagtuturing sa sinuman sa Kanyang mga Tagapagbalita ng pagtatangi-tangi” at sila ay nagsabi: “Kami ay nakinig at kami ay tumalima” O aming Panginoon, patawarin Ninyo kami, at sa Inyo kami ay magbabalik” (Qur’an 2: 285).
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento